Tuesday, July 5, 2011

Mahiwaga Ang Buhay

Mahiwaga ang buhay ng tao
Ang bukas ay di natin biro
At manalig lagi sana tayo
Ang Diyos s’yang pag-asa ng mundo…….
Mahiwaga nga ba talaga ang buhay ng tao?
Sa aking pananaw mahiwaga nga ang buhay
Dahil kung ang lahat ng bagay sa mundo
Ay kayang arukin ng kaalaman ng tao
At bigyang kasagutan ang bawat katanungan
Marahil di na magiging mahiwaga ang buhay
Dahil ang lahat ay may tiyak na kapaliwanagan

Noong ako’y bata pa
Sabi ko sa aking sarili
Bakit kailangang may mayaman at mahirap
Di ba pwedeng lahat ng tao ay mayaman na lamang
Para wala na lang nagugutom at nahihirapan
Wala na ring nanlilimos at madudungis sa lansangan

Dahil ako ay mula sa kahirapan
Na lumaki sa kalinga ng aking ina at ama na dukha
Di ko man nais maging mahirap ay wala akong magagawa
Kundi makipamuhay sa karukhaaan na aking kinagisnan
Mahirap, mapait, masakit, nakakahiya at nakakapanliit
Ngunit di ko hinayaan ang sarili na panghinaan

Bakit ganoon?
Kahit anong pilit kong iangat ang buhay kong ito
At bigyan ng kaginhawahan ang aking mga magulang
May mga pangyayari na siyang naging hadlang
Upang ang aking hangarin ay di lubusang makamtan

Ngayong pumanaw na ang aking mga magulang
At binawi ng tadhana ang bahay na pinaghirapan
Tanong ko sa Maykapal, “Bakit nangyari ang ganito?”
Di ba't ako naman ay mabuti na tao?

Naging malungkot at magulo ang isipan
Nahirapang tanggapin ang pangit na karanasan
Damdamin at sarili ay lalong nagulumihanan
Naghanap ng kasagutan sa aking pinagdaanan

Ngayon wari ko’y batid ko na ang totoo
Mahiwaga nga ang buhay at yan ay totoo
Sa patuloy kong pag-aangat sa buhay na nabigo
Batid ko na ang Diyos ay kasa-kasama ko

Sa patuloy kong paglalakbay sa buhay na ito
Dalangin ko lamang ay gabayan ako
Di ko kayang unawain ang lahat ng ito
Dahil patuloy ang hiwaga na di ko lubos matanto

Sa bandang huli ito ang dalangin ko
Kung saan man patutungo ang buhay kong ito
Nawa’y masulyapan muli ang mga magulang ko
At makapiling din sana buong pamilya ko

Buhay na mahiwaga, salamat sa iyo
Dahil ako’y pinatatag mo at kailanma’y di susuko
Kung saan man at paano man magtatapos ito
Alam kong sa Maykapal ang huling hantungan ko!

No comments:

Post a Comment

ATE MARISSA: A WOMAN OF GREAT FAITH

ATE in the Filipino language means, “older sister.” Growing up as a child, I would always look up to my older siblings.  Definitely, I look ...